random thoughts, musings and workings of a totally warped mind. tintin is a colorblind writer who paints,dreams of flying a kite along EDSA, teaches middle & high school writing & literature, and is the future mother of Kulay and Una Rosa Maria.

Thursday, November 06, 2003

KARERA
para sa Tropang Etneb, na hinahanap-hanap ko; muli't muli sa Daytona

Pagbaba ng banderang
hudyat ng simula ng karera
sabay-sabay nating pinaharurot
ang mga sasakyan
ng ating mga panaginip
taglay ang taimtim na pag-usal
ng isang dalanging
nawa’y makamit ang pagkapanalo
bilisan ang pagmamaneho
upang marating ang dulo
Sa pagmamadali
at pagpupumilit na mauna
hindi natin alintana
kung nakababangga
walang sinisino
walang sinasanto
Sa pagnanais na tuluyang humagibis
nakalimutan nating tapakan ang preno
nawaglit sa isipan na ang daan
ay hindi lamang diretso
may mga sandaling kailangan nating
lumiko
lumingon
sa likod
kung sino sa atin ang nahuhuli
ang naiiwan
baka sakaling may nasiraan
baka kailangang magdahan-dahan
baka kailangang maghintayan

0 Comments:

Post a Comment

<< Home